Wednesday, March 21, 2007

Some random thoughts about Rome and Juliet









halatang baguhan ang director. handling ng elements ay amatuerish pa. plus, attempt at poetry hindi masyado swabe. minsan out of place na sa mga eksena. parang ginamit na ang poetry as some sort of background music na nasobrahan. of course, yung tunog lata at peripheral sounds na panget ay dala na din ng paggamit ng natural sound sa pelikula at minimal dubbing.

sa screenplay naman, wala matinong resolution dun sa family problem ng isa e. deus ex machina - masagasaan siya at ma-coma para ma-resolve. walang totoong understanding at acceptance mula sa pamilya, forced na kasi coma siya, pag tinakwil pa siya, evil na nanay. at deadma na sa nakasagasa o sa incident na iyun. ginamit lang iyon to enact a resolution at maging palatable ang ending.

hindi lang ako solved sa idea na nung nagmahalan ang 2 babae ay sobrang daming masamang nangyari. matanggal sa trabaho, bastusin, ikahiya, mamatay ang tatay, blame sa pagkamatay ng tatay, itakwil, masagasaan, ma-coma etc etc. parang lahat na lang ng masamang pwedeng mangyari at nangyari nga. at bakit dun sa mas "mahirap" sa kanila? kay mylene dizon, ano nangyaring masama sa kanya? ano ang point? na kapag naging tomboy ka na mahirap ka ay talaga namang kulang na lang kidlatan ka? at kung maging tomboy ka na mayaman ka ay wala namang gaanong mangyayaring masama sa iyo? na-dichotomize lang masyado ang gender issue at malabong na-fuse sa issue ng class. again, directorial and sceenplay problem ito.

mylene dizon is the bright spot in this movie. Mylene gives a nuanced and sensitive performance here. she handled the character with respect and understanding. mylene dizon exudes charm and is absolutely sexy in this movie.

2 comments:

Wayne Allen Sallee said...

very beautiful prose. thank you for a nice breask from my night job.

Wayne Allen Sallee said...

i meant break, of course. sorry.